spiCes Rotating Header Image

Litratong Pinoy #16: Going Green! [Luntian/Berde]

ASPARAGUS
Photobucket
Me and my veggie tales…Asparagus is one of my utmost favorite vegetable not only due to its nutrients but also because of it’s natural and refreshing sweetness and flexibility culinary speaking. I love it grilled, steamed, wrapped with bacon or prosciutto, in salads, even as a substitute to long beans in making Sinigang [Pork in Sour Soup]as pictured above.

[Syempre pa, unang-unang sumagi sa aking isipan ay GULAY na akmang akma para sa temang luntian, hindi ba? Tulad na lamang nitong Sinigang na may Asparagus kapalit ng sitaw na medyo bihira kong makita sa Asian Store.]

LEAF or FLOWER?
Photobucket
When we talk of GREEN, we commonly associate the word with PLANTS, don’t we? Well this is a green plant with a green flower as well!
[Luntian na ang dahon, pati na rin ang bulaklak!]

THE GREEN, GREEN GRASSHOPPER
Photobucket
Even insects can be green!
[At sinuwerte pa ako nang minsang masilayan ang munting tipaklong na may kulay berde! isang araw ng pamamsyal sa parke. At talaga naman, alang alang sa LP, hinabol habol ko pa ito! Haaay!]

Isa na naman pong lahok para sa litrato-16 na may temang LUNTIAN!

32 spiCes on “Litratong Pinoy #16: Going Green! [Luntian/Berde]”

  1. #1 Pinky
    on Jul 16th, 2008 at 12:54 pm

    Sulit naman ang paghahabol mo dahil napakagandang tipaklong naman ang nakunan mo - panalo! :)

    Paborito ko rin ang asparagus na binalutan ng bacon pati na rin ang chicken-asparagus croissant at soup na din (halata bang gutom na ako?).

    Pinky’s last blog post..LP #16: Luntian

  2. #2 Dr Emer
    on Jul 16th, 2008 at 1:07 pm

    Panalo naman ang mga entries mo. Ang dami! Nagutom ako sa asparagus mo. =)

    Happy Thursday!

    Dr Emer’s last blog post..Green and Bold

  3. #3 fortuitous faery
    on Jul 16th, 2008 at 1:09 pm

    tama, ang gulay ay masustansya!

    nakakaaliw yung tipaklong! maligayang LP!

  4. #4 girlie
    on Jul 16th, 2008 at 1:19 pm

    kung gusto mo mag dress, mag straw hat at balabal sa litrato ko, ah ako naman gusto ko makikain sa inyo, heehee. Ang ginagawa ko naman sa asparagus eh binabalutan ko ng manipis na meat ng baka (sukiyaki cut). all time favorite din ang asparagus samin.

    girlie’s last blog post..Luntian (Berde) : 11th Litratong Pinoy

  5. #5 luna miranda
    on Jul 16th, 2008 at 1:36 pm

    ang ganda naman ng 2nd photo (leaf or flower), maganda silang 3, yong 2nd paborito ko. at nakakagutom ang asparagus mo.:D

  6. #6 Zriz
    on Jul 16th, 2008 at 4:41 pm

    I’ve always wanted to join Litratong Pinoy…kaso lang baka hindi ako mka post every week!

    nice photos!

    Deranged Insanity
    Traipsey Turvey
    PierrEzrah

  7. #7 Linnor
    on Jul 16th, 2008 at 6:38 pm

    timing, sinigang din ang ulam ko kahapon (baboy). :) ganda ng mga macro shots mo lalo na yung pangalawa.

    Linnor’s last blog post..Luntian (Green)

  8. #8 ShutterHappyJenn
    on Jul 16th, 2008 at 6:58 pm

    Ang ganda lahat ng litrato. Ang galing nung pangalawa, pero talagang nagustuhan ko yung insekto. Ang liit, ang cute!

    Ang aking LP ngayong linggo ay makikita sa blog na ito:
    Shutter Happenings.

    Daan ka ha? Salamat!

    ShutterHappyJenn’s last blog post..Luntian (Greenish)

  9. #9 sardonic nell
    on Jul 16th, 2008 at 7:45 pm

    looks absolutely delish, may natira pa ba? penge ako, hehehe! and i love your photo of the lilies, they’re my fave. happy thursday ;)
    sardonic nell’s last blog post..Litratong Pinoy #16: Luntian

  10. #10 kathycot
    on Jul 16th, 2008 at 7:56 pm
  11. #11 lino
    on Jul 16th, 2008 at 9:05 pm

    hehe, ayos… happy thursday!!! :)
    lino’s last blog post..luntian?(green)

  12. #12 ettey
    on Jul 16th, 2008 at 10:26 pm

    ang gaganda ng mga larawan mo! gusto ko un pinakahuli! ^_^

    ettey’s last blog post..:LP: BERDE:

  13. #13 peterahon
    on Jul 16th, 2008 at 11:16 pm

    syempre mahilig kumain ang pinoy hehehe… sarap ng larawan! happy LP!

  14. #14 Nona
    on Jul 16th, 2008 at 11:48 pm

    yum, kakagutom ang unang larawan.Malapit na ang lunch break kaya medyo nakulo na ang tiyan ko haha!
    Gusto ko ang pangalawang piktyur, da best!
    happy LP ces :)
    Nona’s last blog post..LUNTIAN

  15. #15 Sreisaat
    on Jul 17th, 2008 at 12:00 am

    HI Ces, ang gaganda ng kuha mo. Paborito ko rin ang asparagus at paboritong kong LP mo this week ay ang grasshopper! Kakaiba siya sa mga nakita kong grasshopper - parang neon/transparent *lol*

    Sreisaat’s last blog post..Wordless Wednesday #45: Beaches of Phuket

  16. #16 komski kuno
    on Jul 17th, 2008 at 12:02 am

    Gara nung tipaklong, parang translucent ng konti. siguro kasi bata pa siya’t manipis?:D

    komski kuno’s last blog post..Ka(ha)likasan

  17. #17 RoseLLe
    on Jul 17th, 2008 at 12:12 am

    hi Ces! ang daming magagandang bagay na luntian ang iyong ibinahagi. peyborit ko ang tipaklong…para siyang laruan na nagg-glow :)
    RoseLLe’s last blog post..LP: Last Leaf (Huling Dahon)

  18. #18 betchay
    on Jul 17th, 2008 at 12:22 am

    uy magandang tip… pwede pala asparagus substitute

    betchay’s last blog post..Litratong Pinoy: Pag-Aaral

  19. #19 G_mirage
    on Jul 17th, 2008 at 1:51 am

    Sayang kahapon ay nagsigang ako walagn sitaw, pwede pala ang asparagus, salamat sa tip! Maganda pa din yung bulaklak kahit green, hindi lang masarap sa mata ang luntiang gulay, masarap din! Happy LP Ces!

    PS: Vienna yung siyudad na lahok ko.. =)

    G_mirage’s last blog post..British Journal of Photography International Photography Award

  20. #20 Buge
    on Jul 17th, 2008 at 4:01 am

    Ang gaganda ng mga larawan! Napapakanta ako ng Veggie Taaaaalllesss, veggie taaallleessss. hehe! Paborito ko yung pangalawa at pangatlong larawan! Ang kyut ng tipaklong!

    Magandang Huwebes!

    Buge’s last blog post..Litratong Pinoy: Luntian

  21. #21 Thess
    on Jul 17th, 2008 at 6:15 am

    Ces, ano ba kulay ng dugo ng teefaklhung? balita ko masarap daw na pulutan yan ;)

    naku, tinubuan na ako ng balbas sa kakahintay ng 3-way call, grrrr

    Happy LP, chef! wag masyado sad at nag break lang ang dakilang tsuper na neybor he he

    Thess’s last blog post..A L F

  22. #22 julie
    on Jul 17th, 2008 at 7:53 am

    Maganda pareho pero siyempre dun tayo sa nakakain at masustansiya, ang tipaklong,este, ang asparagus pala.

    julie’s last blog post..Luntian

  23. #23 teys
    on Jul 17th, 2008 at 9:11 am

    naku natawa naman ako at hinabol habol mo pa ang tipaklong na iyan! naiimagine ko tuloy na nagkakandarapa ka tapos nagti tiptoe ka palapit :D

    happy lp ces!

    teys’s last blog post..LP#16 - Luntian

  24. #24 yvelle
    on Jul 17th, 2008 at 11:46 am

    ang daming green.. nice shots!
    maligayang huwebes.

    http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/07/lp-16-luntian-green.html

    yvelle’s last blog post..LP # 16 Luntian (Green)

  25. #25 Meeya
    on Jul 17th, 2008 at 2:18 pm

    aha, pwede rin pala ang asparagus sa sinigang? sige nga susubukan ko. :) may natutunan ako sa iyo ces! thanks! :)

    Luntian sa MyMemes
    Luntian sa MyFinds

  26. #26 ner
    on Jul 18th, 2008 at 11:49 am

    hahaha. at least ok ang pagkakuha mo kahit napagod ka pa sa kakahabol! ako nung isang araw, pilit kong kunan ung tutubi para sana sa lahok ko kaso mailap sya eh!

    peborit ko rin asparagus! lalo na pag may wrap na bacon. hayz, kakatakam. ok ung bulaklak na un ah, green din sya! at ok ang macro, i like it!

    salamat sa pagdaan at maligayang paglilitrato! :)

    kung may time po kayo, sana’y iboto nyo ang blog kong NER sa www.carlotaonline.com. maraming salamat :D
    ner’s last blog post..Uncommon Valor

  27. #27 Something Purple
    on Jul 19th, 2008 at 1:35 am

    ay aliw ako sa tipaklong, di ba yan ang nagsasabi kung asan ang langit at lupa haha! magaganda ang kuha mo!

    http://stripeatyellow.com
    http://elegancefoodandwine.com

  28. #28 KD
    on Jul 19th, 2008 at 2:29 am

    Noong nagluto si misis ng may asparagus akala ko display lang at di kinakain. Aba masarap pla, mag mula noon naging fan na ako ng gulay na ito.

    Happy LP

    KD’s last blog post..LP# 16 : Luntian

  29. #29 Munchkin Mommy
    on Jul 24th, 2008 at 7:14 pm

    uy, favorite ko ang asparagus! :) ang galing naman at natiyempuhan mo pa ang grasshopper!

    Munchkin Mommy’s last blog post..LP #16 & #17

  30. #30 caryn
    on Jul 24th, 2008 at 11:56 pm

    wow, natakam ako sa asparagus! that looked really yummy!

    the last picture scared me though. i’m weird about grasshopper-type insects kasi. hahaha! they’re nice to look at but i wouldn’t like to have them around me ;-)
    caryn’s last blog post..public service announcement: FUNDRAISING CONCERT

  31. #31 iska
    on Jul 25th, 2008 at 7:30 am

    ganda ng tipaklong! ganda ng pagkaberde…

    iska’s last blog post..LP#17 - Sa Gawing Kanluran

  32. #32 Walter Scott
    on Feb 21st, 2009 at 8:55 am

    Great blog, I really liked this post. I love to garden, especially in my greenhouse! I will be back and have bookmarked your site, thanks.

sprinkle some spiCe

  • [LaPiS Themes]

  • [weekly PHOTOGRAPHY memes]

      LaPiS
      BWMS-button
    RT-button
      WW-button
      litrato-button
      food-friday-button
    lasang-pinoy-badge
  • dr0p.b0x

  • [PATALASTAS]

  • Meta