Uncategorized
- May 1, 2008
Litratong Pinoy #5: Malungkot
Medyo may kahirapan ang temang ito para sa akin dahil sa wala akong maisip na malungkot na pagkain ha! Tuyo? Hindi rin! Masarap yun ah! Kaya naman sa aking pagsasaliksik sa aking mga lumang larawan, dito ako bumagsak.
[Finding a sad food was not a joke! Dried fish? Naaah! It’s good food too that I can’t consider it sad either. Hence, I was left with this photo while browsing through my old files.]

Kamakailan lamang nangyaring medyo tinamaan ako ng lungkot dahil bigla kong naalala ang Pilipinas at ang mga mahal sa buhay na naroroon. Isama na natin ang mga masasarap na lutong bahay ng aking ina. Katulad na lamang nitong PINANGAT na TILAPIA, isa sa mga niluto niya noong kami ay huling umuwi upang magbakasyon doon at para sa kasal ng aking pinakabatang kapatid na si Pinky. At tama kayo, siya iyong nasa larawan na nakikikapag-chikahan sa isang pinsan sa aming likod-bahay.
[Only recently, I was hit a bit by home sickness, missing Manila and my loved ones. Let’s not forget my mom’s delicious cooking! Just like this one, Tilapia in sour soup which she cooked during our last visit for a vacation and my youngest sister’s wedding. Yes, that’s her in our backyard, chit-chatting with a cousin.]
Malungkot hindi ba? [Sad isn’t it?]
Ito naman. Maiba tayo. Kuha ito noong nakaraang sabado nang kaming mag-anak ay namasyal sa Franklin Zoo. Malamang malungkot talaga iyang elepanteng iyan sa kalagayan nya ngayon.

[This shot on the other hand was taken during our trip to the zoo last saturday. I would definitely say that the pictured elephant is too sad in his current state, huh?]
Pero itong susunod na larawan…talaga namang ang saklap! Nakain lang naman siya ng kapwa hayop.

[But this is truly tragic! A prey eaten by a predator!]
Ngunit itong huli, ito ang paborito ko. Hindi ba’t napakalungkot ng kanyang mukha?
[But this last photo is a favorite. Just look at his sad face!]

E sabi nga nila, kapag ganyan ang mukha mo, malulungkot ka talaga:( [joke! I’d rather not translate this! mwahaha!]
At sa pananalita ng aking bunso…[and I quote my son…”he has a frown”].
Isa na naman po itong lahok para sa Litratong Pinoy na may temang MALUNGKOT. [Here’s another entry for LP with a SAD theme.]














11 Responses to “Litratong Pinoy #5: Malungkot”
malungkot talaga ang mawalay sa mga mahal natin sa buhay, sigh. pero mas malungkot yata si kingkong, bigyan naman sana nila ng kasama
sardonic nell’s last blog post..Litratong Pinoy #5: Malungkot
By sardonic nell on May 1, 2008
i do agree.. ako din ay nahirapan sa temang ito.. nagutom ako sa una mong larawan, namiss ko ang tilapya at bangus!!! hay..
have a nice day!
http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/04/lp-5-malungkot.html
yvelle’s last blog post..LP # 5 Malungkot
By yvelle on May 1, 2008
ang galing, pareho tayong may gorilla! pero yung larawan mo ng tilapia, hindi nakakalungkot—nakakagutom! hehe
napakabrutal naman ng nakasampay na yumaong hayop…hindi man lang tinanggal ng mga nangangalaga sa zoo?
fortuitous faery’s last blog post..litratong pinoy#2: malungkot
hi ff:
hahaha! mukha bang totoo? ja-peyks lang yan! kunwari antelope na kinain ng isang leopard:)
By fortuitous faery on May 1, 2008
re: pinangat - tama si ff, nakakagutom siya more than nakakalungkot, hehe. although hindi biro, nakakalungkot talaga ang ma-homesick.
re: elepante - ay siguradong malungkot siya sa kalagayan niya.
re: deer - grabe, naantig ako sa pic. sobrang tragic nga.
re: gorilla - no comment, mwahahah!
MyMemes: LP Malungkot
MyFinds: LP Malungkot
Meeya’s last blog post..It’s In The Cart
By Meeya on May 1, 2008
ang lulungkot naman…
magandang araw sa’yo…
lidie’s last blog post..LP #5 :: Malungkot
By lidie on May 1, 2008
Malungkot nga yung iba pero sa huli ako’y naaliw nung sinabi mo na magiging malungkot ang tao pag ganun ang mukha nila. Masayang araw sa iyo!
By Tere on May 1, 2008
Ces, nakakalungkot mawalay sa ating mga magulang… hay, kahit ako nalulungkot kapag naiisip ko ang aking ina sa Pilipinas… bakit naman isda.. nagugutom tuloy ako, ang galing mag luto ng nanay mo.
Nakakalungkot naman yung Gorilla na iyon… hay, nasaan ba ang partner niya?
Clicking Away’s last blog post..LP005 - Malungkot
By Clicking Away on May 2, 2008
shocks, i was shocked…buti na lang artipisyal pala..haha
fortuitous faery’s last blog post..litratong pinoy#2: malungkot
By fortuitous faery on May 2, 2008
that gorilla looks really really grumpy.. parang nakakatakot lapitan.
By Iris on May 3, 2008
malungkot talaga ang malayo sa mga minamahal. ang ganda ng mga kuha mo na litrato. ang lungkot naman nun urrangutan
at lalong nakakalungkot un hayop na patay na nakasabit sa puno 
By Grey on May 3, 2008
ang sarap ng tilapiang pangat na yan! paano ba naman mukhang walang tilapia sa lugar ko ngayon o hindi ko pa lang nadi discover…
(kadadumadalaw ako dito ay nag-iiba ang look mo… nice!)
iska’s last blog post..french toast
By iska on May 4, 2008